Mula Bicol, Central Luzon, CALABARZON hanggang Ilocos ay napapanood ang CAT Network TV Channel. Sa loob ng mahigit na pitong buwan na umeere ang CAT 8 ay inihatid sa mga TV sets ang mga programang swak sa panlasa ng mga kababayan natin sa probinsiya.
Unang isinahimpapawid ang CAT News Express, ang programang naghahatid ng mga balita ukol sa sariling bayan, munisipalidad o lunsod gamit ang kani-kaniyang dialekto.
Ang kabilib-bilib pa sa programa bukod sa mga balitang malapit sa puso ng mga kanayunan ay ang mga reporters at direktor na bumubuo sa CAT News Express. Bawat bayan, munisipalidad o lunsod na umeere ang CAT 8 ay may kani-kaniyang bersyon ng nasabing programa. Sila rin ay may kaniya-kaniyang reporter at direktor at lahat sila ay produkto ng sarili nilang nayon. At lahat sila, ay mga first-time reporter at directors na masusing nagdaan sa training program sa ilalim ng CEO at Presidente ng CAT Network na si Mr. Jef Manibay.
Kabilib-bilib dahil hindi mo aakalain na ang mga mukha na napapanood natin sa CAT News Express ay sa isang linggong training lamang nagdaan. At hindi lahat sila ay mga nagtapos ng kursong Mass Communication, karamihan sa kanila ay mga taong nangarap lamang na makita sa telebisyon.
Ang paniniwala ni Mr. Jeff Manibay, na ang telebisyon ay hindi isang rocket science, at ito ay naituturo sa mga taong nais matuto. Kabilib-bilib din dahil karamihan sa mga director ngayon ng CAT Netrwork ay walang direktang karanasan sa TV production. Ang iba nga sa kanila ay aminadong ngayon lamang nakahawak ng camera. Ang kanilang mga nakatagong talento ay hinukay at binuhay lamang ni Mr. Jef Manibay.
Ang mga mukhang ito ng CAT Network sa mga kanayunan ay sumasalamin sa katotohanang ang mga pangarap ay maaring matupad. Nakatutuwa dahil ang isang simpleng taga-nayon noon ay unti-unti nang nakikilala. Ang sabi nga nila, SIKAT NA SILA DAHIL SA CAT!